Saturday, February 19, 2011

Talambuhay ni Chinee Sanchez Liabres

*ako nung 1 and 1/2 yrs old*
  Ako nga po pala si Chinee Sanchez Liabres. Isinilang ako sa lungsod ng San Pablo, noong Hulyo 6, 1995. Pinanganak akong ang mga magulang ay mayroon lamang simpleng buhay. Anak ako ng mag-asawang Elizabeth Liabres at Ranie Liabres. Ang relihiyon namin ay Iglesia Ni Cristo. Simula pagkabata ay nasanay na ako sa mga patakaran ng aming relihiyon. Ngunit may mga oras na nalulungkot ako ng dahil dito.
 *ako nung 2 yrs old*


  Lumipas ang mga araw at dumating ang aking kaarawan. Naging isang taong gulang na ako, nagkaroon ako ng handa pero simple lamang ang handaan na iyon.


  Dumaan ang mga panahon at ako ay lumalaki na. Nagkaroon ako ng bagong kapatid. Nang ako ay apat na taong gulang na, ako ay pumasok ng pref. Nagkinder naman ako nag limang taong gulang.


*ako at ang ate ko*
  Nang mag-anim na taong gulang na ako ay pumasok na ako sa paaralang elementarya. Nang ako ay grade 1 na ay masayahin ako. Ngunit kapag dumadating na ang december ay lagi akong umiiyak kapag may party, dahil bawal ito sa aming relihiyon.


Pero dumaan ang mga panahon at nasanay na din ako. Lumipas ang isang taon at ako ay naging grade 2 na. Ngunit ganun pa din, tuwing sasapit na ang mga party ay nalulungkot ako sapagkat hindi ako maaring sumali. Sinasabi nalang ng magulang ko noon ay kakain lang kami sa KFC para hindi sumama ang loob ko. Pero naiisip ko na iba pa din pag kasama ako sa xmas party.


  Grade 3 na ako ngayon, may mga bagong kaklase at kaibigan ako  na nakilala. Ang isa sa hindi ko malilimutan ay noong kami ay nagcamping sa aming paaralan.Pinagadala kami nag mga pagkain na aming kakainin sa camping. Tinuruan kami noon na magluto ng noodles,kahit simple lamang iyon ay mayroon na agad kaming natutuhan. At natapos na nga ang taon na ito.


  Sumapit ako sa ika-apat na baitang. Noong ako ay naging grade 4 ay mayroong pangyayari sa buhay ko na hindi ko malilimutan. July noon, namatay ang isa sa importanteng tao sa buhay ko,ang aking lola. Namatay sya ng 97 taong gulang na.  Nabalot ng kalungkutan ang buong bahay namin. Kahit na bata pa lamang ako ay nararamdaman ko na din ang kalungkutan.


  Lumipas ang mga buwan at araw. Ako ay naging grade 5 na. Pasukan noon,mga bandang june,dumating ang tita ko galing sa Hong Kong. Masaya dahil limang taon ko din syang hindi nakita. October 22 naman noon ng magkaroon kami ng family reunion sa side ng father ko. Nagpunta kami sa Laiya. Nag-over night kami doon. Sobrang saya at hindi ko malilimutan.


  Sumapit ako sa ika-anim na antas ng elementarya. Ang grade 6 para sa akin ay masaya dahil gagraduate na kami. Ngunit noong dumating ang araw ng graduation ay nagkaiyakan nalang kami ng best friend ko.


*mga ka-officer ko*
  Sumapit ang mayo,taon ng 2007 ako ay pumunta sa paaralan ng dizon, dahil oras na ng pag-eenroll.Nung una ako ay natatakot dahil wala pa akong kakilala. Pero ng makilala ko ang mga kaklase ko ay naging masaya na din  ang mga araw ko. Lumipas ang mga araw at lalo kong nagustuhan ang pagiging high school student. Nung elememtarya kasi ako ay natatakot akong maging high school.Pero nung naranasan ko na ito ay nasiyahan talaga ako.


*ako at mga ka-officer ko*
  Lumipas muli ang isang taon at naging 2ndyear na kami. Masaya ako dahil retain lang ang section ko.Ngunit may kahalong konting lungkot dahil hindi ko na kaklase yung best friend ko nung 1styear. Pero sabi nya pede padin daw kaming maging best friend pero pag nagkikita kami ay parang nagkakahiyaan na. Patuloy pa din ang mga araw at nakakilala  ako nag mga bagong kaibigan. Lalo  akong sumasaya sa bawat paglipas ng mga araw.



*bonding w/ officers*
*ako at si mam canape*
  Sumapit ako sa pagiging 3rd year. Masaya,dahil retain pa din ang sec. ko. At ang mga kabarakda ko ay kakalse ko pa din. Sumapit ang aking kaarawan. Lumabas kami ng aking mga kabarkada. Isa ito sa mga hindi ko malilimutan sa high school life ko. Sobrang saya talaga noon. 

*ako at officers*
*C.A.T officer*
Nang dumating ang september ay sumapit ang isang activity ng school na hindi ko malilimutan. Ang science camping. Ang mga kaklase ko noon ay kasama ko sa pagtulog at ang mga activity dito ay sobrang saya, isa na sa dahilan ay madami akong nakilalang bagobg kaibigan. At kahit nung natapos ito ay naging usapan pa din. Nang buwan ng october ay sinubukan kong maging volunteer ng C.A.T, masaya dahil lalong dumami ang aking mga kaibigan. 


*CAT officers din*
  Nang magvolunteer ako ay madami akong naranasan na dito ko lamang naranasan. Kahit medyo mahirap ay masaya naman. Nagpatuloy ako sa pagiging volunteer. Hanggang sa natapos ang 2009.Nang january na ay madamintg nagsasabi na magquit na daw ako, dahil baka mapabayaan ko ang pag-aaral ko. Pero nagpatuloy pa din ako. Nang february na ay medyo nalulungkot ako dahil nagiging usapan na naman ang JS Prom. Hindi na naman kadi ako maaaring sumali. Yung iba kong mga kaklase ay pinipilit akong sumali,ngunit hindi naman maari dahil sa relihiyon ko. Sabi nalang  ng magulang ko ay magpasensya nalang daw ako at yun nga ang ginawa ko.


*CAT officers*
  February 26, 2010, biyernes iyon, araw ng concert ng mga kabataan sa dizon high na may theme na "MUSIKALIKASAN". sobrang saya ng araw naito,para naring nagkaroon ng party ang mga dizonians.Naipakita din nila ang kanilang mag talento as pagsayaw at pagkanta.Noong araw na iyon ay kasali ang ilan sa mga kaklase ko sa nangyaring mga kompetisyon sa pagtugtog. Sinuportahan namin sila sa kanilang ginwang pagtatanghal at naging maganda naman ang kinalabasan nito. Nagkaroon ng bonding ang aming section  at hindi ko ito malilimutan. Kaakibat nito ang naganap na art exhibit na ginanap naman sa library ng paaralan.


  March na ngayon,malapit na ulit magtapos ang taon, dumatingt na naman ang isang malungkot na pangyayari as buhay ko. Namataya ng titako. Isa sya sa pinaka mabait na tita ko. Kaya hindi ko napigilang umiyak.Mabuti nalang na dyan ang mag kaibigan ko. Pinapasaya nila ako as kabila ng aking kalungkutan. 


*ako nung  15 years old*
  april 12,2010, bakasyon na ito,pero kaming mga volunteer ay hindi dahil summer training na namin.Lunes hanggang biyernes din kaming nagtetraining dito at tuwing huwebes ay sa school kami natutulog, napakarami nag naranasan ko dahil dito. Mga mayo 6 iyon ng mayroong naganap an prusisyon, kinailangan ng mgkapwa ko volunteer na pumunta,dahil magbubuhat sila ng arko. Pero ako ? ayun naiwan sa school.bawal kasi ako umattend ng prusisyon, dahil bawal sa relihiyon ko. Malungkot talaga ako ng gabing iyon, at naging dahilan na naman ang relihiyon ko, pero kahit ganun ay pinilit ko nalang na sumaya ang gabi ko.


  Lumipas ang isang buwan. June na,pasukan na ulit, masaya dahil isa na akong ganap na officer ngayon. May kahalong lungkot dahil  4E na ako ngayon. Pero nakakilala din naman agad akong bagong kaibigan,ngunit sabi ko, iba pa din kung nasa 4D ako.  Nagkataon naman na may gustong magpalipat sa 4e, ngunit kailanagang mayroon syang kapalit,at ako nga ang napili na kapalit niya.Kaya naging 4d ulit ako, sobrang saya kong araw na iyon.

*si sir.ruedz at ako*

  September 24,25 at 26 araw ng science camp namin.pero sa C.A.T camp ako sumali, may mga activity din kami noon kaya talagang masaya. Kami rin ay nagduty  noon, hindi ko iyon makakalimutan at sobrang saya talaga kahit pagod na. Lumipas ang isang buwan. October 23 noon ng mgakaroon kami ng fieldtrip.  Medyo madami ang sumali sa aming section. 






*Chinee Liabres*
  December 18 noon, nang magkaroon  ng swimming ang mga officer. Hinding hindi ko iyon makakalimutan.First time kaming nagkaroon ng swimmimg na officer lang ang mga kasama ko,pati na din si sir.mafori. December 31, busy ang mga tao sa bahay namin dahil naghahanda na kami ng pagkain para dadating na bagong taon. At ng sumapit ang bagong taon ay sabay-sabay kaming kumain. Jan.3 ,pasukan na naman ito.Nalalapit na ang pag-alis namin sa dizon. Nakakalungkot dahil mamimiss talaga namin ang school na ito. Madami ang nagsasabi na sana ay magkaroon  na ng college sa dizon. Jan.31 noong kami ay nagpapicture ng nakatoga. Ramdam na ramdam na namin ang bilis ng mga araw. Noong feb.4,ay ang 1st deliveration na namin, lahat kami ay kinakabahan. Pero ng malaman namin ang resulta ay masaya naman. Feb.11,2011, JS na ito ng mga 3rd yr. at 4th yr. Eto na naman ako, malungkot dahil hindi na naman ako kasali. Kasi bawal sa amin iyon,dati ko pa naman alam na bawal pero nalulungkot pa din ako, dahil kahit sa huling pagkakataon ay hindi pa din ako makakasali.

**ITO AKO NGAYON**







Hanggang dito na lang ang mailalahad ko tungkol sa aking buhay. Sana po ay magustuhan ninyo ang aking ginawang talambuhay.

No comments:

Post a Comment