Sunday, March 20, 2011


Talambuhay ni :LADYLEE LICARDO


2months old
grade3 ako dito
2years old
grade4
grade6
grade6
graduate noong ako ay elementarya
Noong una,nagkaroon ng crush ang aking si papa,palagi syang masaya                                                                                                                                                   sa tuwing nakikita niya ito.Hindi pa nito kilala ang aking mama . Samantala ang aking mama ay may iba namang nagustuhan pero hindi rin sila nagkatuluyan . At nagkaganoon na nga , nagkakilala ang aking mama at papa sa di sinasadyang pagkakataon. Nagkakilala sila sa isang pampublikong paaralan sa Quezon . Dito sa lugar na ito pumapasok ang aking ama at ang aking mama o ina ay bumisita sa isa naming kaanak at aksidente ni papang nabunggo si mama .                                                                            Napagtanungan pa ni mama si papa kung saan daw ang klasrum ni Hilda Agarin ang aking tiyahin . At doon na nagumpisa ang pagkagusto ni mama kay papa at gayundin naman si papa kay mama . Palagi na silang nagkikita at nag uusap tungkol sa kani-kanilang buhay . Madalas din silang mamasyal sa kung saan-saang lugar na gusto nilang puntahan . Pero ang kanilang paboritong puntahan ay ang Simbahan ng Dolores , dahil sa naging panata na nila ang pumunta na dito tuwing Biyernes para mabuo ang siyam na araw na pinaniniwalaang mawawala ang anumang karamdaman . Nang kinalaunan nakatungtong si papa sa First Year  Collage o  Unang Baitang sa Kolehiyo at si mama naman ay nasa Secon Year Collage o Ikalawang Baitang sa Kolehiyo . Nagdesisyon na silang magsama at magpakasal . Hanggang sa magdalang tao na si mama at tuwang tuwa  naman si papa dahil magkakaroon na sila ng anak na babae at iyon nga ay ako. 
Noong pinagbubuntis ako ni mama ay pinaglihi daw ako sa singkamas at ang patunay nito ay ang mga litrato ko nung bata pa ako . At ang pangalang Ladylee ay kinuha sa artistang bata na bida sa pelikulang Mahiwagang Bibe na binibidahan nina Aiza Seguerra at ni Ladylee na binasihan ng aking pangalan . Pero sinabi din ni papa na sana'y isusunod ang pangalan ko sa kanya na sana o dapat ang pangalan ko ay Rouela . Ng ako ay ipinanganak tuwang tuwa ang aking mga magulang . Masaya daw umano ang may sanggol o anak dahil ito daw ang magpapakumpleto ng isang pamilya at magpapatunay na may magandang ibinunga ang kanilang pag-iibigan . Matapos akong iluwal ng aking mama buwang marso,2,1994 ay laking tuwa nila . 
Nang umagang iyon araw na abril 9,1994 ay masayang masaya si mama at papa habang pinagmamasdan ako at nilalaro ako ng aking ama . Sa parke ay pumunta kami matapos pumunta kami sa Lake upang lumanghap ng sariwang hangin at kumain sila ng miryienda tulad ng Banana Cue , Palamig , Inihaw , Hamburger at Bibingka . Noon ay sa Mapagong , Calamba pa kami nakatira ngunit lumipat kami sa San Pablo dito sa ikod ng SPC , sa Balagtas Blvd . ay lumipat kami kasama o dala ang lungkot at saya dahil na rin sa pagkatampo sa pagitan ni mama at lola . Noong buwan ng Mayo ay masyadong mainit at madalas na magaway si mama at papa sa pera , dahil sa sila'y kinakapos at hirap sa paghanap ng trabaho si mama na uwian dahil walang nag-aalaga sa akin . Si papa naman ay nagtatrabaho sa Construction sa madaling salita ay humahawak si papa ng Foreman , karpentero at pintor sa kanilang pinag tatrabahuhan . Dumaan ang  buwan nang mayo dahil nga sa buwan na ito ay  mas ayadong mainit ay mabenta ang malalamig na paninda tulad ng yelo , ice  cream , ice candy , ice drop , halo-halo at iba pang malamig na pwedeng panawid sa uhaw o kainitan ng panahon . Naisipan tuloy ni mama magtinda ng halo-halo upang magkaroon siya ng kita kahit na siya ay nasa bahay . Hindi nag laon ay nadagdagan aming pinagkakakitaan kaya naman nadagdagan pa si mama ng mgan burger , fishball , magga , singkamas at pati na rin ang pagbebenta ng pinya at pakwan . Nag karoon na kami ng iba pang gamit na kinakailangan namin sa araw araw tulad ng paglulutuang Gas Stove , panoorin ng T.V , Radio na mapapakinggan ng ibat-ibang musika , sayaw , refrigerator na paglalagyan ng mga pagkain na nais palamigin upang tumagal na ilang pang araw na pwedeng ulam o pang handa . Sumunod na buwan ay hunyo na nag papahiwatig na ito ay naging masaya sa  bawat isa sa amin naroon sa bahay , dahil sa nagkaroon ng mahabang panahon  si papa sa amin ni mama sa paglabas labas namin para mamasyal . At nagpabago sa aming pamilya , lalo  kaming nag kabuklod buklod . Nang ako'y iluwal na aking mama ay lubos ang kanilang kasiyahan kahit na maraming gastos ang magkaroon ng anak ok lang sa kanila , dahil buong buo na raw ang kanilang simula ng  makasama nila ako . Lubos nilang ikinagalak ang makapiling ako sa araw ng pasko . Na nagpaigting ng kanilang pagsasamang dalawa . Dumating din ang araw ng bagong taon marami din daw kaming handa tulad ng nagdaang pasko , kasama pa namin ang aming mga kamag-anak . Na lalong sumaya ang pagbibiruan , tawanan at kung anu-anu pang klaseng lokohan . At ngayon na ako'y isang taong gulang na naging masaya naman ako . Nang ako naman ay magdalawang taon na wala ako masyadong handa di tulad ng isang taong kaarawan ko . Lumipas ang dalawang taon maraming nagyari , apat na taon na ako ipinasok ako ng aking mama sa Day Care Center na malapit sa aming bahay upang maging madali sa amin ang pag-uwi at pagpasok doon . Noong tinuturuan ako ni mama sa aking takdang aralin ay madalas akong pagalitan dahila sa gusto kong maglaro kaagad at lagi akong pinagbabasa ng Story Book , pinalalaksan sa akin ang aking pagbabasa . At kapag Math naman ang pag-uusapan marunong  na akong mag plus at minus ng akoy maglilimang taon na , kaya ko na ring mag estimate ng mga problema . Nang akoy handa ng pumasok sa Kinder sa may likod ng sinbahan bigla akong iniwan ni mama sa skul sa unang araw doon . Di ko alam ang gagawin kaya lumabas ako ng silid-aralan at tumakbo ako at sinundan ang aking mama,pero hindi ko na sya naabutan ang hindi ko alam sinundan ako ng aking guro sa labas at sinabing magiging masaya daw ako sa pag-aaral doon dahil marami daw pwedeng maging kaibigan o kalaro nagtagal na ako doon at naging komportable na ako sa kanila. Sumasagot din naman ako sa mga resitation ng klase. May pagkakataong mataas ang nakukuha kong marka. Ang buwan ng marso ay isang espesyal na kaganapan sa aking buhay, at dahil sa ito'y kaarawan ko,pumunta o ipinag daos namin ang aking kaarawaan sa boying doon kami nag diwang, at ng ako'y nag grade 1 ay masaya dahil marami akong naging kaibigan. Sa Central school ako pumasok pero tumigil ako dahil natakot ako sa aking guro maging ang aking mga kamag-aral ay ganoon din. Kaya lumipat ako sa Dapdapan Elementary School . Nakapasaa naman ako sa mga asignatura namin . Pag tungtung ko sa ikalawang antas sa elementarya ay masyado akong natakot sa aking tagapayo dahil mahigpit ito . Pero napag alaman ko na mabait naman pala sya sa mga batang mababait at malupit sya sa mga batang makukulit at pasaway. Mataas din naman aking marka. Ng ako'y nasa ikatlong baitang na sa elamentarya mas napagbuti ko pa ang aking pag-aaral at kasali din ako sa sayaw na carinyosa na binibuo ng tiglimang mananayaw . Nanalo kami sa aming na sasabing patimpalak, pang apat kami sa mga nanalo,at ngayon na nasa ikaapat na antas na ako sa elementarya ay masyado akong nag bigay ng atensyon sa aking pag-aaral at mga gawain sa bahay,di ako masyadong nakakalabas para maglaro. Tuwing lunes ay mayroon kaming speling na nakakakuha naman ako ng mataas na marka sa aming magsususulit at iba pang aktibidad na tulad nito. Nasa ikalimang antas na ako sa elementarya,at naging masasaya naman ang mga araw ko,dahil marami akong nagiging kaibigan . Masaya din ang mga araw ko kasi kasama ko ang aking pamilya sa bahay,simbahan at saan mang lakad, at kasama rin naman nag mga pinsan ko na malalapit sa akin. Maligayang-maligaya ang aking pasko dahil kasali ako sa kantahan ng aming paaralan. Pero nag kamit lang ako ng 3rd place okey nadin saakin, basta't naging masaya ako ng araw na iyon, at ngaun nakatungtong na ako sa ikaanim na baitang at gustong-gusto ko aking mga kamag-aral,guro at mismong silid-aralan namin.Maraming kaganapan sa buhay ko na hindi ko makakalimutan,at ng patapos na ako sa taong ito nag eensayo na rin kami ng graduation rehersal sa main ng Dapdapan District. Ang mismong graduation namin ay buwan ng Marso 28,2006 at handa na rin akong gumraduate. Malungkot at masaya ang aking nararamdaman matatapos narin ang pinag hihirapan ng aking mga magulang at maiiwanan ko rin naman ang aking mga kamag-aral. Tumungtong na ako sa 1st Year High School sa pampublikong paaralan ng Dizon high. Masaya din naman ang aking mga naging karanasan at madami rin namn akong natutunan,at ngaun nakatungtong na ako ng 2nd year dito ako nakaranas ng kakaibang experience katulad ng pag ganap ko ng Laura sa Palabas na Florante at Laura,at ako naman ay ng kamit ng ika 2 puwesto.Ngayon nakarating na ako ng 3rd year high school naranasan ko ang JS o Junior at Senior na nakasayaw ko ang aking crush at ako naman ay naging masaya.Nagyon nakarating na ako ng 4th year maraming pagbabago ang ngyari sa buhay ko,maraming pagsubok na dumating at ito naman lahat ay aking nalagpasan dahil sama-sama kami at nagtututlungan sa lahat ng bagay.Malapit na naman ang buwan ng ?Marso  na nag papahiwatig ng pagtatapos ng aking pag aaral sa high school. Nawa sana'y matupad ang lahat ng aking pangarap at maging successful ako.  Noong una,nagkaroon ng crush ang aking si papa,palagi syang masaya                                                                                                                                                   sa tuwing nakikita niya ito.Hindi pa nito kilala ang aking mama . Samantala ang aking mama ay may iba namang nagustuhan pero hindi rin sila nagkatuluyan . At nagkaganoon na nga , nagkakilala ang aking mama at papa sa di sinasadyang pagkakataon. Nagkakilala sila sa isang pampublikong paaralan sa Quezon . Dito sa lugar na ito pumapasok ang aking ama at ang aking mama o ina ay bumisita sa isa naming kaanak at aksidente ni papang nabunggo si mama .                                                                            Napagtanungan pa ni mama si papa kung saan daw ang klasrum ni Hilda Agarin ang aking tiyahin . At doon na nagumpisa ang pagkagusto ni mama kay papa at gayundin naman si papa kay mama . Palagi na silang nagkikita at nag uusap tungkol sa kani-kanilang buhay . Madalas din silang mamasyal sa kung saan-saang lugar na gusto nilang puntahan . Pero ang kanilang paboritong puntahan ay ang Simbahan ng Dolores , dahil sa naging panata na nila ang pumunta na dito tuwing Biyernes para mabuo ang siyam na araw na pinaniniwalaang mawawala ang anumang karamdaman . Nang kinalaunan nakatungtong si papa sa First Year  Collage o  Unang Baitang sa Kolehiyo at si mama naman ay nasa Secon Year Collage o Ikalawang Baitang sa Kolehiyo . Nagdesisyon na silang magsama at magpakasal . Hanggang sa magdalang tao na si mama at tuwang tuwa  naman si papa dahil magkakaroon na sila ng anak na babae at iyon nga ay ako. 
Noong pinagbubuntis ako ni mama ay pinaglihi daw ako sa singkamas at ang patunay nito ay ang mga litrato ko nung bata pa ako . At ang pangalang Ladylee ay kinuha sa artistang bata na bida sa pelikulang Mahiwagang Bibe na binibidahan nina Aiza Seguerra at ni Ladylee na binasihan ng aking pangalan . Pero sinabi din ni papa na sana'y isusunod ang pangalan ko sa kanya na sana o dapat ang pangalan ko ay Rouela . Ng ako ay ipinanganak tuwang tuwa ang aking mga magulang . Masaya daw umano ang may sanggol o anak dahil ito daw ang magpapakumpleto ng isang pamilya at magpapatunay na may magandang ibinunga ang kanilang pag-iibigan . Matapos akong iluwal ng aking mama buwang marso,2,1994 ay laking tuwa nila . 
ako na sa kasalukuyan
Nang umagang iyon araw na abril 9,1994 ay masayang masaya si mama at papa habang pinagmamasdan ako at nilalaro ako ng aking ama . Sa parke ay pumunta kami matapos pumunta kami sa Lake upang lumanghap ng sariwang hangin at kumain sila ng miryienda tulad ng Banana Cue , Palamig , Inihaw , Hamburger at Bibingka . Noon ay sa Mapagong , Calamba pa kami nakatira ngunit lumipat kami sa San Pablo dito sa ikod ng SPC , sa Balagtas Blvd . ay lumipat kami kasama o dala ang lungkot at saya dahil na rin sa pagkatampo sa pagitan ni mama at lola . Noong buwan ng Mayo ay masyadong mainit at madalas na magaway si mama at papa sa pera , dahil sa sila'y kinakapos at hirap sa paghanap ng trabaho si mama na uwian dahil walang nag-aalaga sa akin . Si papa naman ay nagtatrabaho sa Construction sa madaling salita ay humahawak si papa ng Foreman , karpentero at pintor sa kanilang pinag tatrabahuhan . Dumaan ang  buwan nang mayo dahil nga sa buwan na ito ay  mas ayadong mainit ay mabenta ang malalamig na paninda tulad ng yelo , ice  cream , ice candy , ice drop , halo-halo at iba pang malamig na pwedeng panawid sa uhaw o kainitan ng panahon . Naisipan tuloy ni mama magtinda ng halo-halo upang magkaroon siya ng kita kahit na siya ay nasa bahay . Hindi nag laon ay nadagdagan aming pinagkakakitaan kaya naman nadagdagan pa si mama ng mgan burger , fishball , magga , singkamas at pati na rin ang pagbebenta ng pinya at pakwan . Nag karoon na kami ng iba pang gamit na kinakailangan namin sa araw araw tulad ng paglulutuang Gas Stove , panoorin ng T.V , Radio na mapapakinggan ng ibat-ibang musika , sayaw , refrigerator na paglalagyan ng mga pagkain na nais palamigin upang tumagal na ilang pang araw na pwedeng ulam o pang handa . Sumunod na buwan ay hunyo na nag papahiwatig na ito ay naging masaya sa  bawat isa sa amin naroon sa bahay , dahil sa nagkaroon ng mahabang panahon  si papa sa amin ni mama sa paglabas labas namin para mamasyal . At nagpabago sa aming pamilya , lalo  kaming nag kabuklod buklod . Nang ako'y iluwal na aking mama ay lubos ang kanilang kasiyahan kahit na maraming gastos ang magkaroon ng anak ok lang sa kanila , dahil buong buo na raw ang kanilang simula ng  makasama nila ako . Lubos nilang ikinagalak ang makapiling ako sa araw ng pasko . Na nagpaigting ng kanilang pagsasamang dalawa . Dumating din ang araw ng bagong taon marami din daw kaming handa tulad ng nagdaang pasko , kasama pa namin ang aming mga kamag-anak . Na lalong sumaya ang pagbibiruan , tawanan at kung anu-anu pang klaseng lokohan . At ngayon na ako'y isang taong gulang na naging masaya naman ako . Nang ako naman ay magdalawang taon na wala ako masyadong handa di tulad ng isang taong kaarawan ko . Lumipas ang dalawang taon maraming nagyari , apat na taon na ako ipinasok ako ng aking mama sa Day Care Center na malapit sa aming bahay upang maging madali sa amin ang pag-uwi at pagpasok doon . Noong tinuturuan ako ni mama sa aking takdang aralin ay madalas akong pagalitan dahila sa gusto kong maglaro kaagad at lagi akong pinagbabasa ng Story Book , pinalalaksan sa akin ang aking pagbabasa . At kapag Math naman ang pag-uusapan marunong  na akong mag plus at minus ng akoy maglilimang taon na , kaya ko na ring mag estimate ng mga problema . Nang akoy handa ng pumasok sa Kinder sa may likod ng sinbahan bigla akong iniwan ni mama sa skul sa unang araw doon . Di ko alam ang gagawin kaya lumabas ako ng silid-aralan at tumakbo ako at sinundan ang aking mama,pero hindi ko na sya naabutan ang hindi ko alam sinundan ako ng aking guro sa labas at sinabing magiging masaya daw ako sa pag-aaral doon dahil marami daw pwedeng maging kaibigan o kalaro nagtagal na ako doon at naging komportable na ako sa kanila. Sumasagot din naman ako sa mga resitation ng klase. May pagkakataong mataas ang nakukuha kong marka. Ang buwan ng marso ay isang espesyal na kaganapan sa aking buhay, at dahil sa ito'y kaarawan ko,pumunta o ipinag daos namin ang aking kaarawaan sa boying doon kami nag diwang, at ng ako'y nag grade 1 ay masaya dahil marami akong naging kaibigan. Sa Central school ako pumasok pero tumigil ako dahil natakot ako sa aking guro maging ang aking mga kamag-aral ay ganoon din. Kaya lumipat ako sa Dapdapan Elementary School . Nakapasaa naman ako sa mga asignatura namin . Pag tungtung ko sa ikalawang antas sa elementarya ay masyado akong natakot sa aking tagapayo dahil mahigpit ito . Pero napag alaman ko na mabait naman pala sya sa mga batang mababait at malupit sya sa mga batang makukulit at pasaway. Mataas din naman aking marka. Ng ako'y nasa ikatlong baitang na sa elamentarya mas napagbuti ko pa ang aking pag-aaral at kasali din ako sa sayaw na carinyosa na binibuo ng tiglimang mananayaw . Nanalo kami sa aming na sasabing patimpalak, pang apat kami sa mga nanalo,at ngayon na nasa ikaapat na antas na ako sa elementarya ay masyado akong nag bigay ng atensyon sa aking pag-aaral at mga gawain sa bahay,di ako masyadong nakakalabas para maglaro. Tuwing lunes ay mayroon kaming speling na nakakakuha naman ako ng mataas na marka sa aming magsususulit at iba pang aktibidad na tulad nito. Nasa ikalimang antas na ako sa elementarya,at naging masasaya naman ang mga araw ko,dahil marami akong nagiging kaibigan . Masaya din ang mga araw ko kasi kasama ko ang aking pamilya sa bahay,simbahan at saan mang lakad, at kasama rin naman nag mga pinsan ko na malalapit sa akin. Maligayang-maligaya ang aking pasko dahil kasali ako sa kantahan ng aming paaralan. Pero nag kamit lang ako ng 3rd place okey nadin saakin, basta't naging masaya ako ng araw na iyon, at ngaun nakatungtong na ako sa ikaanim na baitang at gustong-gusto ko aking mga kamag-aral,guro at mismong silid-aralan namin.Maraming kaganapan sa buhay ko na hindi ko makakalimutan,at ng patapos na ako sa taong ito nag eensayo na rin kami ng graduation rehersal sa main ng Dapdapan District. Ang mismong graduation namin ay buwan ng Marso 28,2006 at handa na rin akong gumraduate. Malungkot at masaya ang aking nararamdaman matatapos narin ang pinag hihirapan ng aking mga magulang at maiiwanan ko rin naman ang aking mga kamag-aral. Tumungtong na ako sa 1st Year High School sa pampublikong paaralan ng Dizon high. Masaya din naman ang aking mga naging karanasan at madami rin namn akong natutunan,at ngaun nakatungtong na ako ng 2nd year dito ako nakaranas ng kakaibang experience katulad ng pag ganap ko ng Laura sa Palabas na Florante at Laura,at ako naman ay ng kamit ng ika 2 puwesto.Ngayon nakarating na ako ng 3rd year high school naranasan ko ang JS o Junior at Senior na nakasayaw ko ang aking crush at ako naman ay naging masaya.Nagyon nakarating na ako ng 4th year maraming pagbabago ang ngyari sa buhay ko,maraming pagsubok na dumating at ito naman lahat ay aking nalagpasan dahil sama-sama kami at nagtututlungan sa lahat ng bagay.Malapit na naman ang buwan ng ?Marso  na nag papahiwatig ng pagtatapos ng aking pag aaral sa high school. Nawa sana'y matupad ang lahat ng aking pangarap at maging successful ako.                                                                                                                  

Sunday, February 20, 2011

mY auto biography

Ang Aking Talambuhay 
By:PRINCESS LEA SUAYAN LEGARDE
princess lea
3 months
            Ako nga pala si Princess Lea S. Legarde. Ilalahad ko qang aking talambuhay.

            Ang aking ina na si Susan Manalang ay nakatira pa noon sa Guadalupe ph.1. Siya ay nagtratrabaho sa Fudex Factory. Kaibigan niya ang kapatid ng aking ama . Ang pangalan niya ay si Lolita Legarde .Sa kanya nagsimula ang pag iibigan ng aking mga magulang. Ang aking ama ay si Crispin Legarde . Nakatira sa M. Leonor St. San Anton San Pablo City. Makalipas ng ilang linggo naging magkasintahan ang aking magulang.Disyembre 10,1994 sila kinasal . Sa simbahan ng Calihan. Doon ginawa ang kanilang seremonyas . At kaya ako`y nabuo dahil sa kanilang pag mamahalan . Batay sa kwento ng aking ina pinaglihe daw ako sa bubot na santol at lugaw. Ang aking ama at ang lolo ko ay nahirapan noon. Kasi hindi naman daw tag santol nung naglilihe ang aking ina. Nakaabot sila ng maynila para lang sa santol pero bigo sila. Kaya nag tiyaga ang mama ko sa hilaw na santol. Ang bubot ay yung maliliet na santol na kulay berde na pag binalatan ay madagta pa. Makalipas ng siyam na buwan pinanganak na ako.
            Noong Agosto 28,1995 sa San Pablo Hospital (ospital na malaki). Sabi ng aking ina ay naging delubyo daw ang aking buhay noon. Kasi hindi daw pinapansin ng mga nurse  ang mama ko.Pero sa awa ng Diyos at nabuhay pa den ako. Makalipas ng tatlong buwan  bininyagan na ako. Nagkataon na kaarawan ng aking tiyahin kaya medyo maraming handa. Sayang nga lang at hindi ko maipapakita ang aking larawan kasi nasa bahay ng lolo ko .Doon ako natuto mag gapang mag lakad at mag salita .
            Noong ako`y nag isang taon gulang, ay madami akong handa ,andoon din ang aking mga pinsan at mga tiyahin. Palibhasa`y ako`y panganay kaya medyo marangya pa.
            Makalipas ng dalawang taon ako`y nasundan.Babae din ito, Ang pangalan niya ay Ana Liza Legarde. Doon siya pinanganak kung saan din ako. Pinaglihi siya sa singkamas. Masaya kaming nabuhay doon.Pero lumipat din kami sa Villa Antonio Ph1 Subd San Gabriel San Pablo City .
ako at ang aking ina
isang taon gulang
            Tuwing mag bi2rthday kami lagi nalang sabay . Para isang gastos nalang daw ,pati ilang araw lang naman ang nakalipas bago siya mag kaarawan. Hanggang sa mag day care ako at mag kinder. Noong kinder daw ako ay mabait hindi daw ako naiyak pag iniiwan ako ng aking ina. Minsan ay ako pa daw ang nag papaalis sa kanya. Pero nung nakalipas ang ilang araw ay bigla nalang umalis ang mama ko pupunta daw siyang palengke. Ako raw ay umiyak na ng umiyak hanggang sa hindi nakapagturo ang aking guro.Ang pangalan niya ay Mrs. Tess Lopez. Pero lumipas ang ilang buwan ay may nangyari na hindi inaasahan. Ako ay na dengue , at hindi nakapasok. Ang sabi ng aking mga tiyahin ay kelangan dawn a ako`y kapitan dahil sa ako`y nag pupumiglas. Sa awa ng Diyos ay ako ay nabuhay.Nakaabot ako ng graduation . Nag bakasyon na din sa wakas.ng nag june na ay nag pasukan na.konting hirap nga lang kasi ang da,I mg pinagagawa sa akin. Hindi pa ako noon pinatutulog hanggat hindi tapos ang aking mga takdang aralin.Pinupokpok pa nga ang aking kamay para matuto ako sa kanan,Pero hindi pa din kaya nasanay ako sa kaliwa. Pag nasa skul naman ay nag prapractise kami ng sayaw.Lalaban kasi kami noon.Doon sa court ng Bagong Bayan . Kami muna ay pumarada noon hanggang sa kami`y nakarating. Nanalo kami ng 1st place.Ang sinayaw naming ay Mickey.Ilang buwan ay naka graduate na ako.Sa Liceo De San Pablo.Naging achievers pa ako noon,dalawa pa ang aking medal.Best in Makabayan pa ako at achievers pa!tuwang tuwa kami noon.
ako nung isang taong gulan
g
            Sa mura kong edad ay nasa unang baiting na ako ng elementary.Ang hindi ko malilimutan ay nung kaarawn ko.Pinaltok ako ng pambura sa pisara .Ang puti noon ng aking buhok.Ayon daw ang pa birthday ng aking guro.Ang pangalan niya ay mrs. Glorioso. Noong ako~nasa ikalawang baiting,ang aking guro ay si Ms Estrella Lim. Medyo mataray siya. Ang hindi ko naman makalimutan na karanasan ay yung kami`y napagalitan dahil sa aking kaklase.Noong ako`y nasa ikatlong baitang,si Mrs. Angelita Abril naman ang aking guro. Siya yung guro na maraming negosyo. Panyo tuwalya,at kumot ang kanyang tintinda.matalik niyang kaibigan si Mrs.Violeta Delamar. Guro ko noon sa ikaapat na baitang.Nag kacrush ako sa aking isang kamag aral.Siya ay transferee.Cute, mabait,at higit sa lahat ay matalino. Ang pangalan niya ay John Carlo Escueta. Sa Sobrang pag kahumaling ko sa kanya ay bumaba ang aking seksyon.nagkahiwalay kami noong akoy nasa ikalimang baiting. Ang guro ko noon ay si Ms. Celeste Cape.lumayo ang loob niya sa akin dahil hindi na kami mag kaklase .Tapos noong tinawag niya ako hindi ko siya pinansin.Nagkaroon din kami ng JS prom o yung Kids Prom.
ako at ang aking kapatid
     Ang suot bko noon ay blue na gown,inaarkila pa ako noon at pinayusan.  Noong sumapit ako sa ikaanim na baitang ang naging guro ko naman ay si Ms. Sinfrosa Belen. Doon lumapit ulit ang loob niya sa akin.Kami ang nangangasiwa sa aming H.E. o yung ‘home Economics’.Ako,si jenica at airese ang aking mga kasama. Katulong kami ng aming titser  pag may bisita sa amin eskwelahan. Nagkaroon ulit kami ng Js at sinayaw niya ako. Ang saya saya ko noon dahil sa nangyari. Tuwing sabado ay may praktis kami ng graduation .Pagkatapos ng pag eensayo ay nagkaroon  ng konting sayawan.Nag gagaslawan kami noon,apakan ng paa,habang mag kaiba ang aming kasayaw.Napagalitan ako noon ng aking guro.Nasa pinakang malungkot na araw ay yung kami aymag pagtatapos na ng elementarya.Napaiyak na ako noon.Marso 28 2007 ako nagtapos sa Ambray Elementary School.Nag bakasyon ako sa Brgy.Concepcion S.P.C. .noong ako`y mag eenrol sa Dizon High ay ayokong sumama.Gusto ko kasi sa San Pablo College mag aral.Kasi Ako`y scholar doon.Pero ayaw naman ng aking ina kasi kahit scholar daw ako hindi maiiwasan na may bayaran. Wala ako nagawa kungdi sundin ko siya.Nanibago sa skul nayun. Ang daming tao, ang lawak ng oval.
AKALI
alyssa
kimberly
ana
lea
ilah
            Noong nag pasukan na,june04,2007 ay nalaman kong 1-e ako. Ang  aking adviser ay si Mrs. Rourie Briñas.Na noon ko lang nalaman na ang dami palang activities sa eskwelahang iyon. Sumayaw pa kami noong Nutrition Month.Nasa 4th place kami.Tapos nung oktubre ay dumating sa amin si Sam Concepcion.Nung araw naman ng mga puso ay nagkaroon ng concert.1st tym kong umatend sa ganoon.At gabi pa ginanap.Noong nag second year naman ako ang aking adviser ay si Mrs.Rebecca Bidula.Tumaas ang aking seksyon naging 2-D ako.Madami akong naging kabarkada.Mahihilig sa musika . Kaya pag may concert sa skul ay sinusuportahan naming sila.Kontodo sigaw at palakpak para may audience impact.Nag Florante at Laura din kami, Nakakapanghinayang din kasi hindi kami nakasali .Nagalit kasi ang aming titser .Nalungkot kami noon. Bukod tangi kaming hindi kasali.Sabi pa noong ibang guro ay ang laki pa naman ng aming chance na manalo roon.Noong nag third year ako, ang naging titser ko ay si Mrs. Lydia Gonzales. Agosto 30 ako nag voluntir sa C.A.T (Citizen Advancement Training).Noong una nahirapan ako.Puro parusa at ang daming ginagawa.Pero nakayanan ko iyon.Sumama ako noong Sci-camp. Don ko naranasan na dun matulog sa skul. Ang dami din naming activities tulad ng `Seven Month Team` na todo tago kami noon. Doon ako nagtago sa likod ng Doctors hospital.Nakakatakot din doon. Nababalutan lang kami ng tuyong dahon. Kala ko ay mahuhuli na kami pero hindi pala kami nakita. Napabilang ako sa limang hindi nahuli. Sabay sabay kaming kumain at nkakamay pa. ang sarap ng pakiramdam na maraming kasabay . noong nag JS naman kami noong pebrero13-14 2010 ay napakasaya ko. Sinayaw ako nung crush ko. Siya ay si Joane Renz Eseo. Ang kanta pa noon ay KEEP HOLDING ON kanta yun ni Avril Lavigne. Gragraduate na ang mga seniors namin. Sa DLSP yun ginanap. Ang suot ko pa noon ay naka Fatigue at naka combat shoes. Nung una mahirap gumalaw kasi ang bigat ng sapatos naming pero nung nag tagal ay naging comportable na din.april 7 ako umalis ng Laguna . papunta ako noon ng Batangas . kaya hindi ako nakasama ng Summer Training ng C.A.T. bumalik ako ditto ng May 4 . kaya nakaqabot ako kahit konting  araw . nakasama cdin ako sa duty ng  taunang santacruzan. Tiga pag dala kami ng arko. Ang bigat nga noon e. Gawa kasi sa tubo yung arko. Maige nalang at hindi naging mareklamo ang reyna. Pagkatapos noon ay sa onestop kami ngpahinga. Doon din kami kumain, kasabay naming ang city high. Kaya medyo nagkaroon ng kausap at ibang ka kilala. Doon kami natulog sa skul. Kinabukasan at umuwi na din ako. Nagpatuloy ako ng bakasyon sa Brgy. Sta Elena S.P.C. . noong june ay nag pasukan na.. 
ako na nung high school
at 4th year na ako. Ang adviser ko ay si Mr. Romualdo Vasquez. Ang bilis ng taon noh. Tapos nagkaroon ng Kawan Holiday sa skul . nagkaroon ng kami nang duty. Kasama naming ang voluntirs. Tapos nag sci camp at duty din kami. Daming ginawa activities. At nag jS din kaso hindi ako pinalad na makasama kaya ansama ng loob ko. Last na kasi yon.at kami lang ni chinee ang hindi kasama .
            Sa ngayon dyan na muna nagtatapos ang aking talambuhay..
            Sana ay makatapos ako sa aking pag aaral.
 Ang Talambuhay ni Jill Almira Mae Cerdan                                                                                                                                                                                                                 Noong Setyember 21, 1994 ay dinaraos ang pinakamahalagang selebrasyom sa buhay ng aking ama at ina. At ito ay ang kanilang pagpapakasal. Noong pumasok na sila sa kapilya para magpakasal ipinangako nila na habang buhay silang magmamahalan sa hirap man o ginhawa. Mamahalin ang kanilang mga supling at bibigyan ng magandang buhay.

Pagkalipas ng isang taon noong buwan ng Agosto, may sinilang na malusog at magandang sanggol. At iyon ay ako. Sabi daw nila saakin ay “sana lumaki itong mabait at magalang na bata”. Pagkalabas ko pa lang daw sa ospital ay pinamili agad ako ng aking lola ng mga damit. Tuwang tuwa daw sila kasi meron na silang apo. Unang sanggol daw kasi ako. Lagi nila akong kinukuhanan ng litrato, lagi akong binubuhat at higit sa lahat lagi nila akong inaalagaan. Ang swerte ko raw noon kasi mura pa raw ang bilihin. Nabibili daw kasi nila ang mga gusto ko. Ngunit makalipas dawn g ilang buwan, nilagnat ako ng napakataas. Tatlong araw ay hindi pa ako gumagaling kaya nagdesisyon na nilang dalhin ako sa hospital. Sabi ng doctor,kaya lang daw ako nilagnat kasi sinisibulan na daw ako ng ngipin. Nakaluwag ng pakiramdam ang aking ina dahil akala nila ay kung anu na ang ng yari saakin.
when i was 1year old

Noong dumating na ang unang kaarawan ko, Agosto 07, 1995 ito ay may kabonggahan ang aking kaarawan. Maraming lobo, may cake at marami pang iba. Nagsidatingan ang lahat ng mga kamag-anak naming. Tuwang-tuwa raw sila. Andami ko rin natanggap na regalo at inihanda din ng aking ama at ina ang mga palaro sa mga bata at iyon ay naging Masaya. Dumaan ang tatlo taon, nagsimula aking mag-aral sa edad na apat. Kinder ako noon. Hindi naman daw nahirapan ang aking ina na turuan ako dahil madali naman akong matuto. Nung nakatapos ako ng kinder may mga award din naman ako nakahua katulad ng “Best in Math and in English”. At higit sa lahat ay Salutatorian ako noon. Tuwang-tuwa ang aking ina kasi nakatapos ako ng kinder.
when i was 2years old
Pumasok ako sa Central School noong elementarya ako, nung ipapasok ako ng aking ina ng grade 1, nahirapan daw akong ienrol kasi kulang daw ako sa edad. Limang taon pa lamang kasi ako noon nung ipinasok ako sa Central. Pero naipasok naman ako ngunit seksyon 15 ako noon. Pero kahit nasa mababang seksyon ako, hindi ako pumayag na maging ka level ng iba kong kaklase. Nag-aaral daw akong mabuti sabi ng aking ama. Kaya nung ikalawang baitang ko ay tumaas ang aking seksyon. Napalipat ako sa seksyon 4. anlaki ng itinaas ko kasi nagaral akong mabuti. Marami naman akong naging kaibigan. Ngunit mayroon akong di malimutang karanasan noong nasa ilawang anats ako. Nung araw ng biyernes girl scout kami noon, naghahabulan kami ng mga kaklase ko sa may gilid ng gym. Hindi ko namalayan may kanal pala dun. Nahulog tuloy ako at nasagutan ang ilong ko. Kaya mula noon hindi na ako nakikipaghabulan pa.
Noong asa ikatlong baitang ako ng elementarya ay napilitan kamig lumipat ng tirahan at mag-aaral sa Sto. Tomas Batangas. Kasi doon magtratrabaho ang aking ina. Nahirapan akong makipagkaibigan noon kasi hindi ako pinapansin ng mga naging kaklase ko noon. Pero nang tumagal tagal, meron naman akong nagong kaibigan. Flougine Reyes ang kanyang pangalan. Siya ay mabait at matalino kaya nagkasundo kami. Sa ikatlong baitang dn ako unang nagkaroon ng paghanga sa isang lalaki. Ang pangaln niya ay Michael Rosales, siya ay mabait at cute. Naging kaibigan ko siya, pero hanggang paghanga langiyon dahil bata pa lang ako noon. Natapos naman ako noong grade 3 na may award ulit ako noon at iyon ay ang “Best in English.
when i was 8years old
At ng dumating na ako sa ika-apat na baitang, lumipat na ulit kami dito sa San Pblo. Dito narin ako nag-aral at dito na kami tumira.Seksyon 8 lang ako noon kasi huli ako nagenrol. May masamang alala ako noong ika-apat na antas na ako noon. Ang ng yari noon ay nasuntok ako ng kaklase ko sa parte bahagi ng aking katawan. Pati kinuha na din niya ang akin libro at iyon ay isunombung ko sa aking ina. At ng dumating ang kinabukasan noon ay pumunta ang aking ina sa eskwelahan upang kausapin an gaming guro upang pagsabihan ang aking kaklase na sumuntok sa akin. Pinagsabihan naman ng aking guro ang kaklase ko. Humingi ng tawad ang akin ang kaklase ko., at doon ay pinatawad ko din naman siya. Pero simula noong nangyari iyon ay hindi ko na siya pinansin muli.

with my brother and cousin
            Noong ako ay asa ika-lima baitang tumaas na muli ang aking seksyon. Naging section 7 ako noon. Maraming masasayang alaala ang buhay ko noon. Naging miyembro ako ng “Glee Club” sa Central. Ang pangalan ng grupo naming ay San Pablo Central Children Choir. Lagi kaming kumakanta sa mga “events” sa eskwelahan naming. Lagi din kaming kumakanta sa tuwing may piyesta ng Bayan. Nag-guest pa nga kami sa unang hirit noon.naging soloista din akong choir namain. Andami talagang masayang alaala noong grade 5. hinding hindi ko malilimutan. Pagsapit ko na man ng grade 6 ay seksyon 7 ako .noong grade 6 ako ay naging seksyon 5. may halong tawa at lungkot ang naramdaman ko noong kasi namimiss ko ang nga kaklase ko noong ako ay asa ika-lima antas na. ako lang kasi ang napalipat ng seksyon pero pinilit kong makipagkaibigan sa mga kaklase ko. Pero sa tinagal-tagal nagkaroon naman ako ng mga kaibigan. Meron akong naging kaklase na kulang ang paa dahil siya ay naaksidente. Ang pangalan niya ay Amor Zapata siya ay mabaiy at maganda. May kakulitan lang ng kaunti. Pero sa unang pagkakataon may naging kaklaser akong napakaarte at ang yabang, inis na inis kami sa kanya. Hindi naming siya pinapansin. Pero nag iba naman ang masama niyang uagali Ngunit naman siya nagalit. Pagkalipas ng ilang buwan, nang sumapit ang pebrero kwenito ni ay ang masama niyang ugali.hindi na man siya nagalit.

Pagkalipas ng ilang buwan, nang sumapit ang pebrero sinabi sa amin na pag igihin na min lalo ang pag-aaral kasi gagraduate na kami. Hindi naman kami nabigo. Nakatapos naman kami ng pag-aaral sa elementarya.

Makalipas ng ilang buwan, 1st year high school na ako. Hindi na ako nag-isip na mag-aral sa private kasi may kakapusan sap era ang aking mga magulang ko. Kaya nag-aral ako sa Col. Lauro  D. Dizon Mem. National High School na sabik na sabik akong pumasok.Noong unang araw ng pasukan. Ako ay  napakatahimik at ang aking mga kaklase. Naninibago pa kasi kami. Pero ng pangalawa kong pasok na araw napalipat ako sa section C. hindi ko alam kung bakit ako napalipat. Naging Masaya naman ako sa 1-C. mataas pa ang section, mababait pa ang mga kakalase ko. Unang sabal ko. Kalahati ng buwan ang agosto kumanta ako sa library noon. Pero hindi ko ito malilimutan kasi noong kumakanta ako ay bigla akong pumiyok. Paos kasi ako noong araw na un. Hiyang-hiya talaga ako.
Pero hindi na man ako pinagtawanan. Binati pa nga nila ako bilang pambalubag ng loob. Marami ding masasayang alaala ang nangyari noong 1st year ako.
my bestfriends and I
Noong 2nd year naman ako, bumaba ang section ko naging 2-d ako . hindi kasi ako masyado nagseryoso sa pag-aaral noong 1st year pa ako. Pero kahit na bumaba ang section ko naging Masaya naman ako. Masayang kasama ang mga kaklase ko. Mayroon naman akong naging kaibigan. Noong maglalaban na ng Florante at Laura di kami nakasali kasi di kami makapagpraktis ng maayos. Ang gugulo kasi naming. Napagalitan pa kami n gaming guro kaya ang naging kapalit noon ay ang pagmomonologue kami isa-isa at pinakanta at pinabigkas. Nakabawi na man kami noon. Mataas din na man ang aming nakuha ng gardo sa Pilipino. Marami ring masayang ala-ala ang nangyari noong 2nd year ako.

JS PROMINADE
Pagkasapit ng 3rd year kami kami na man ulit ang magkaklase. Unang pasukan pa lang ay napakaingay na naming. Hindi kami nag kakahiyaan. Sanay na kami sa isa’t-isa. Itong year nato ay dito ako natutong mag make-up, mag masahe ng mukha, mag-ayos ng buhok, magluto . dito ako nakatagpo ng totoong mga kaibigan. Wala akong masyadong masasabi kasi marami ang nangyari nitong taon na ito.Naranasan ko ring sumali sa JS nitong year na ito       .

My groupmates in MAPEH.
At sa wakas, nakaabot ako ng 4th year, marami napahiwalay na kaklase naming. May tumaas at meron ding bumaba. Pero Masaya naman kami. Unang pasukan pa lang ay nakipagkaibigan na agad ako sa mga bago kong kaklase mababait naman sila                                .                                
Nitong year na-ito dito ako natutong mainlove. Mga ilang buwan pa lang ang nakakaraan nagkaroon ng ako ng crush sa kanya. Hindi ko nasasabihin ang pangalan niya. Lagi akong niloloko ng mga kaibigagan ko sa kanya. Hindi ako makalapit sa kanya dati. Itong year na din ito natuto akong masaktan. Pero binaliwa ko yun. Mas pinahalagahan ko ang pag-aaral ko kesa sa kanya. Noong buwan ng setyembre nagkasakit ako ilang araw din akong hindi nakapasok hindi rin ako nakasayaw sa SM noon kasi may sakit ako. Pero nakarecover na man ako at ng buwan ang nobyembre, nagkaroon ng field-trip. Sumama ako kasi last na taon na ito. Marami naman akong natutuhan sa mga pinuntahan namin. Di lang ako nakasama sa bus naming kasi mahuli ako ng bayad. Kasama naman ako sa bus ng 3rd year Giselle ang pangalan niya. Mabait siya mula noon naging magkaibigan kami.

Jill Almira Mae Cerdan 
At ngayun nalalapi na ang aking pagtatatpos marami akong dapat na gawin. Kailangan kong magpasa ng mga requirements upang makagraduate ako. At sa araw na sumapit ng graduation ay marami akong maaala-ala na Masaya at malungkot na pang yayari sa dizon high. Masaya talaga ang high school at sana kapag college na ako makayanan ko lahat ng mga gagawin ko sa college at dito na nagtatapos ang aking talambuhay
Almira Cerdan
.

Saturday, February 19, 2011

Ang Talambuhay Ni Jonas Otilla

 
Ang Aking Talambuhay
            Ako ay si Jonas Otilla Magabo, labing anim na taong gulang. Isinilang ako sa Brgy. Sta Ana San Pablo City noong Enero 30, 1995. Ako ay anak nina Florencio Garing Magabo tubong Lipa, Batangas at Celia Luna Otilla mula naman sa Guinobatan, Albay.
Noong ako ay isang taon (1)
           
                Tatlo kaming lalaki na ibinunga ng pagsasama ng aking mga magulang. Kami ay sila Ryan, panganay sa aming magkakapatid, ako ang pangalawa sa amin at si Christian Florence ang bunso sa aming lahat na magkakapatid. Kapwa isinilang kami ng walang anumang kapansanan. Ngunit ang aking bunsong kapatid na si Christian Florence ay pumanaw noong siya ay apat na taong gulang. Biglang-bigla ang kanyang pagkamatay, dahil malusog naman siyang bata. Ngunit ang sabi ng doctor, ang sanhi daw ng kanyang pagpanaw ay angpagkakaroon nito ng Tumor sa kanyang utak. Kaming pamilya ay nalungkot sa pagpanaw ng aking busong kapatid. Sapagkat nawala ang isang miyembro ng aming pamilya. Gayun paman ay kinaya ng aking ina ang pagkawala ng aking bunsong kapatid.
           
                Samantala bago ako isilang ay lumipat daw kami ng bahay sa tabi ng riles ang sabi ng aking ina. Doon ako ipinanganak sa bago naming bahay. At biniyagan ako sa Lakes City Christian Baptist Church. Isa akong Born Again at ang tumayong ninong at ninang  sa akin ay ang mag-asawang si Elvina Magabo at Anghelito Magabo. Sila ay aking mga tiya at tiyuhin dahil kapatid ng aking ama si Anghelito Magabo. Ang aking ama ay nagtrabaho bilang karpintero sa Maynila at ang aking ina naman ay naiwan sa aming bahay upang alagaan kaming magkakapatid. Noong maliit pa daw ako ay mahal na mahal daw ako ng aking mga kamag-anak. At gustong-gusto daw lagi akong laruin ng aking mga pinsan at ng aking lolo. Tuwang-tuwa sila sa akin nung maliit pa ako, dahil ako lang daw ang bata sa aming magkakapitbahay noon. Patunay dito ay lagi daw akong nilalagay ng aking lolo sa kanyang tiyan paggising niya sa umaga noong ako`y sanggol pa. Ang mga pinsan ko daw ang nag-alaga sa akin nung maliit pa ako. Natutunan ko sa kanila ang maraming bagay. Katulad na lamang ng aking panganay na kapatid ay tinuruan niya ako na kumain ng gulay upang lumusog daw ako. Dahil payat at masasakitin daw ako noong ako ay bata pa. Ang mga pinsan ko naming sila Robert, Rina at Roselyn ang nagturo sa akin ng  maraming mga laro. Sila rin ang nagturo sa akin kung paano magbasa ng abakada at sumulat ng aking pangalan.                                          
Noong ako ay limang taon (5)
                Noong ako ay tumuntong ng anim na taong gulang ay nagumpisa  na akong mag-aral sa Kinder. Nang una ay umiiyak ako, dahil bago pa lang sa aking karanasan ang iwan ng aking magulang sa paaralan. Ngunit nang lumaon at nagtagal ay nakasanayan ko na ring magpaiwan sa paaralan. Ang aking naging unang guro ay si Bb. Punzalan at nagkaroon ako ng maraming mga kaibigan. Unang pasukan noon medyo nahihiya ako at naiilang na makipaglaro sa aking mga kamag-aral. Subalit tinawag ako ng isa kong kamag-aral at isinali nila ako sa kanilang laro. Simula noon hindi na ako nahihiya sa kanila at natutunan ko nang makisalamuha sa ibang bata. Marami akong natutunan sa aking guro at sa pagiging Kinder. Taong 2001 ng ako ay nagtapos ng Kinder. Tuwang-tuwa ang aking mga magulang dahil nakapagtapos ako. Niyakap ako ng mahigpit ng aking ina, patunay ito na pinadadama niya sa akin na mahal na mahal niya ako.
               
Boy Scout namin noong ako ay grade 1
                Nang taon ding iyong pinaghandaan ng aking mga magulang ang pagpasok ko sa elementarya. Ako ay pinag-aral ng aking ina sa bayan ng San Pablo. Pinakuha niya ako ng pagsusulit sa para sa pag-aaral ko sa unang baitang. Nakapasa naman ako sa kinuha kong pagsusulit. Sa San Pablo Central School ako pumasok mula sa unang  baitang. Katulad pa rin ng dati bago palang ulit ito sa aking karanasan. Bagong paaralan, bagong guro at bagong mga kamag-aral. Umiiyak parin ako ng kapag iniiwan ako ng aking ina sa paaralan. Dahil na sa unang baitang palang ako, hinahatid muna ako ng aking ina sa aming paaralan, pinapakain sa tanghali at sinusundo  rin sa hapon. Hindi rin lumaon at nagtagal ay nakasanayan ko na rin na magpaiwan sa aming paalan.
                Natatandaan ko pa noong ako ay na sa unang baitang ng pag-aaral ay lagi akong napapagalitan ng aming gurodahil maingay ako at makulit. Nagkaroon ulit ako ng mga bagong  kamag-aral at kaibigan. Nakatapos na ako sa unang baiting at tumuntong ako sa ikalawang baitang ng pag-aaral. Dito ay hindi na ako hinahatid, pinapakain sa tanghali at kinakaon ng aking ina. Dahil nagsimula na akong sumabay sa service ng isa sa mga guro sa aming paaralan. Sumasakay na ako sa jeep tuwing umaga at hapon nina Gng. at Ginoong Opulencia. Pinagdadala na rin ako ng aking ina ng binalot upang sa silid-aralan nalang ako kumain. Bagong guro na naman at mga kamag-aral ang aking mga nakasalamuha. Nagkaroon na naman ng mga bagong kaibigan kaya dumami na naman ang aking mga kaibigan.
Graduation ko ng grade 6
           
                Taong 2003 ay tumuntong ako sa ikatlong baitang ng pag-aaral.Nang taon ding iyon ay nag-asawa ang aking panganay na kapatid. Masaya ako para sa kapatid ko at Masaya rin ako dahil magkakaroon  na ako ng kapatid na babae. Nagbunga ang kanilang pagsasama at sila ay nagkaanak ng isang napakalusog na batang babae.  Masaya ang aking kapatid at ang asawa nito, pati na rin ang aking mga magulang, dahil nagka-apo na sila. Masaya rin ako dahil nagkameron na ako ng pamangkin.
           
                Nagpalit na naman ng taon at nagsimula na kong pumasok sa ikaapat na baitang. Naging maayos naman ang aking pag-aaral. Nadagdagan na naman ang aking mga kaibigan. Nagpatuloy ang aking pag-aaral ng mula ikaapat na baitang hanggang ikaanim na baitang Taong 2006-2007 ng ako ay makapagtapos ng elementary. Hindi ko aakalaing makakapagtapos ako ng pag-aaral sa elementary. Noong ako ay ay aakyat ng entablado at kukuha ng aking diploma, ako ay nagagalak. Sapagkat naisip ko lahat ng aking mga pinag-daanan noong ako ay nag-uumpisa pa lamang sa pag-aaral.

              Tuwing sasapit naman ang bakasyon sasapit naman ang bakasyon, ay pumupunta kami sa aming tiyahin upang doon magbakasyon. Nagbabakasyon kami sa Bauan Batangas kila tiya Dila , kapatid ng aking ina. Natatandaan ko pa tuwing naliligo kami sa dagat ng mga pinsan ko. Mayroon kasing dagat sa Batangas, sa katunayan dito ako natutung lumangoy. Tinuturuan kasi ako ng aking mga pinsan kung paano lumganoy. Ang tiyo ko naman ang nagturo sa akin kung paano mamingwit ng isda. Pinakikita niya sa akin kung paano manghuli ng isda. Sa pagsapit  naman ng papalapit na pasukan ay umuuwi na kami sa aming tahanan, upang ipagpatuloy ang aking pag-aaral.
           
              Hunyo ng taong 2007 ako ay tumuntong na sa High School. Ako ay nagpaenrol sa paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial NHS bilang isang istudyante ng first year. Kasabay ko ang aking ibang kaibigan sa pag-papaenrol sa paaralang iyon. Umpisa na ng pasukan, bago na naman ang aking guro at ang aking mga kamag-aral. Noong unang pasukang iyon, mayron kaagad akong nakilalang mga bagong kaibigan. Sila Christian Nera, Eris Calingasan, Mikko Panergalin at Aris Banzuela ang aking nagging unang mga kaibigan sa High School. ang una ko naming nagging guro ay si Gng. Brinas, guro sa asignaturang math. Siya ang aking adviser, marami akong natutunan sa kanya at sa iba ko pang nagging guro sa iba kong mga asignatura. Masaya pala ang maging isang High School, dahil marami akong mga bagong karanasang natutunan, Kahit nagsisimula pa lamang ako sa pag-aral. Nakapasa ako sa first year at walang asignaturang bumagsak. Pumasok na ako ng second year High School. Bago na naman ang aking mga guro at ang  iba ko dating mga kamag-aral ay kaklase ko pa rin. Nadagdagan na naman ang aking mga kaibigan. Nakapasa muli ako sa second year at at walang bagsak. Nang tumuntong ako sa third year High School ay hindi ko na kamag-aral ang aking ibang kaibigan. Ngunit gayun pa man ay nagkameron ulit ako ng mga makukulit at masasayahing mga kaibigan. ang mga ito ay sila Jake Nazareno, Aris Banzuela, Mico Ramos at Beryl Zamora. Magkakasama kami sa lahat ng bagay, maging  sa kulitan man ito o sa kasayahan. Ang aking bagong guro ay si Gng. Baylon. Nang taon ding ion ako ay unang nakaranas sa pagsali sa Junior Senior Prom( JS)  ng aming paaralan noong Pebrero 2011. Bago ulit ito sa aking karanasan, dahil ito ay ginaganap ng gabi hanggang umaga.
               Nung una ay naiilang ako na makipagsayaw sa mga kamag-aral kong babae, dahil hindi ako sanay sa ganitong pagkakataon. Marami kasi sa aking mga kamag-aral na babae ang kapwa magaganda kaya ako ay nahihiya at naiilang sa kanila. Nakapasa ako sa third year High School at walang bagsak. Sa kasalukuyan ako ay isang fourth year High School. Malapit na akong magtapos ng pag-aaral sa High School. Ang aking adviser sa ngayon ay si Ginoong Vasquez. At marami pa akong mga bagong guro. Halos nagbago na lahat ang aking mga kamag-aral ngunit magkakaklase pa rin kami ng aking mga kaibigan. Muli ay dumalo ulit ako sa aming JS prom. Naging maayos ang pagdalo ko dito dahil hindi na ito bago sa aking karanasan. Gayun pa man, maayos naman at walang gulong nangyari sa pinagdarausan n gaming JS. Masaya ako dahil makakapagtapos na ako ng aking pag-aaral sa High School. Masaya rin ang aking mga magulang dahil makakapagpatapos na sila ng anak. Sana makapagtapos ako ng aking pag-aaral upang matupad ko ang aking mga pangarap, makatulong ako sa aking mga magulang at maging matagumpay ako sa hinaharap.
JS Promn noong February 11, 2011
JS Prom 2011, kasama ko si Karen
JS namin at kasama ko ang kaibigan kong si Aris
         
  

Talambuhay ni Chinee Sanchez Liabres

*ako nung 1 and 1/2 yrs old*
  Ako nga po pala si Chinee Sanchez Liabres. Isinilang ako sa lungsod ng San Pablo, noong Hulyo 6, 1995. Pinanganak akong ang mga magulang ay mayroon lamang simpleng buhay. Anak ako ng mag-asawang Elizabeth Liabres at Ranie Liabres. Ang relihiyon namin ay Iglesia Ni Cristo. Simula pagkabata ay nasanay na ako sa mga patakaran ng aming relihiyon. Ngunit may mga oras na nalulungkot ako ng dahil dito.
 *ako nung 2 yrs old*


  Lumipas ang mga araw at dumating ang aking kaarawan. Naging isang taong gulang na ako, nagkaroon ako ng handa pero simple lamang ang handaan na iyon.


  Dumaan ang mga panahon at ako ay lumalaki na. Nagkaroon ako ng bagong kapatid. Nang ako ay apat na taong gulang na, ako ay pumasok ng pref. Nagkinder naman ako nag limang taong gulang.


*ako at ang ate ko*
  Nang mag-anim na taong gulang na ako ay pumasok na ako sa paaralang elementarya. Nang ako ay grade 1 na ay masayahin ako. Ngunit kapag dumadating na ang december ay lagi akong umiiyak kapag may party, dahil bawal ito sa aming relihiyon.


Pero dumaan ang mga panahon at nasanay na din ako. Lumipas ang isang taon at ako ay naging grade 2 na. Ngunit ganun pa din, tuwing sasapit na ang mga party ay nalulungkot ako sapagkat hindi ako maaring sumali. Sinasabi nalang ng magulang ko noon ay kakain lang kami sa KFC para hindi sumama ang loob ko. Pero naiisip ko na iba pa din pag kasama ako sa xmas party.


  Grade 3 na ako ngayon, may mga bagong kaklase at kaibigan ako  na nakilala. Ang isa sa hindi ko malilimutan ay noong kami ay nagcamping sa aming paaralan.Pinagadala kami nag mga pagkain na aming kakainin sa camping. Tinuruan kami noon na magluto ng noodles,kahit simple lamang iyon ay mayroon na agad kaming natutuhan. At natapos na nga ang taon na ito.


  Sumapit ako sa ika-apat na baitang. Noong ako ay naging grade 4 ay mayroong pangyayari sa buhay ko na hindi ko malilimutan. July noon, namatay ang isa sa importanteng tao sa buhay ko,ang aking lola. Namatay sya ng 97 taong gulang na.  Nabalot ng kalungkutan ang buong bahay namin. Kahit na bata pa lamang ako ay nararamdaman ko na din ang kalungkutan.


  Lumipas ang mga buwan at araw. Ako ay naging grade 5 na. Pasukan noon,mga bandang june,dumating ang tita ko galing sa Hong Kong. Masaya dahil limang taon ko din syang hindi nakita. October 22 naman noon ng magkaroon kami ng family reunion sa side ng father ko. Nagpunta kami sa Laiya. Nag-over night kami doon. Sobrang saya at hindi ko malilimutan.


  Sumapit ako sa ika-anim na antas ng elementarya. Ang grade 6 para sa akin ay masaya dahil gagraduate na kami. Ngunit noong dumating ang araw ng graduation ay nagkaiyakan nalang kami ng best friend ko.


*mga ka-officer ko*
  Sumapit ang mayo,taon ng 2007 ako ay pumunta sa paaralan ng dizon, dahil oras na ng pag-eenroll.Nung una ako ay natatakot dahil wala pa akong kakilala. Pero ng makilala ko ang mga kaklase ko ay naging masaya na din  ang mga araw ko. Lumipas ang mga araw at lalo kong nagustuhan ang pagiging high school student. Nung elememtarya kasi ako ay natatakot akong maging high school.Pero nung naranasan ko na ito ay nasiyahan talaga ako.


*ako at mga ka-officer ko*
  Lumipas muli ang isang taon at naging 2ndyear na kami. Masaya ako dahil retain lang ang section ko.Ngunit may kahalong konting lungkot dahil hindi ko na kaklase yung best friend ko nung 1styear. Pero sabi nya pede padin daw kaming maging best friend pero pag nagkikita kami ay parang nagkakahiyaan na. Patuloy pa din ang mga araw at nakakilala  ako nag mga bagong kaibigan. Lalo  akong sumasaya sa bawat paglipas ng mga araw.



*bonding w/ officers*
*ako at si mam canape*
  Sumapit ako sa pagiging 3rd year. Masaya,dahil retain pa din ang sec. ko. At ang mga kabarakda ko ay kakalse ko pa din. Sumapit ang aking kaarawan. Lumabas kami ng aking mga kabarkada. Isa ito sa mga hindi ko malilimutan sa high school life ko. Sobrang saya talaga noon. 

*ako at officers*
*C.A.T officer*
Nang dumating ang september ay sumapit ang isang activity ng school na hindi ko malilimutan. Ang science camping. Ang mga kaklase ko noon ay kasama ko sa pagtulog at ang mga activity dito ay sobrang saya, isa na sa dahilan ay madami akong nakilalang bagobg kaibigan. At kahit nung natapos ito ay naging usapan pa din. Nang buwan ng october ay sinubukan kong maging volunteer ng C.A.T, masaya dahil lalong dumami ang aking mga kaibigan. 


*CAT officers din*
  Nang magvolunteer ako ay madami akong naranasan na dito ko lamang naranasan. Kahit medyo mahirap ay masaya naman. Nagpatuloy ako sa pagiging volunteer. Hanggang sa natapos ang 2009.Nang january na ay madamintg nagsasabi na magquit na daw ako, dahil baka mapabayaan ko ang pag-aaral ko. Pero nagpatuloy pa din ako. Nang february na ay medyo nalulungkot ako dahil nagiging usapan na naman ang JS Prom. Hindi na naman kadi ako maaaring sumali. Yung iba kong mga kaklase ay pinipilit akong sumali,ngunit hindi naman maari dahil sa relihiyon ko. Sabi nalang  ng magulang ko ay magpasensya nalang daw ako at yun nga ang ginawa ko.


*CAT officers*
  February 26, 2010, biyernes iyon, araw ng concert ng mga kabataan sa dizon high na may theme na "MUSIKALIKASAN". sobrang saya ng araw naito,para naring nagkaroon ng party ang mga dizonians.Naipakita din nila ang kanilang mag talento as pagsayaw at pagkanta.Noong araw na iyon ay kasali ang ilan sa mga kaklase ko sa nangyaring mga kompetisyon sa pagtugtog. Sinuportahan namin sila sa kanilang ginwang pagtatanghal at naging maganda naman ang kinalabasan nito. Nagkaroon ng bonding ang aming section  at hindi ko ito malilimutan. Kaakibat nito ang naganap na art exhibit na ginanap naman sa library ng paaralan.


  March na ngayon,malapit na ulit magtapos ang taon, dumatingt na naman ang isang malungkot na pangyayari as buhay ko. Namataya ng titako. Isa sya sa pinaka mabait na tita ko. Kaya hindi ko napigilang umiyak.Mabuti nalang na dyan ang mag kaibigan ko. Pinapasaya nila ako as kabila ng aking kalungkutan. 


*ako nung  15 years old*
  april 12,2010, bakasyon na ito,pero kaming mga volunteer ay hindi dahil summer training na namin.Lunes hanggang biyernes din kaming nagtetraining dito at tuwing huwebes ay sa school kami natutulog, napakarami nag naranasan ko dahil dito. Mga mayo 6 iyon ng mayroong naganap an prusisyon, kinailangan ng mgkapwa ko volunteer na pumunta,dahil magbubuhat sila ng arko. Pero ako ? ayun naiwan sa school.bawal kasi ako umattend ng prusisyon, dahil bawal sa relihiyon ko. Malungkot talaga ako ng gabing iyon, at naging dahilan na naman ang relihiyon ko, pero kahit ganun ay pinilit ko nalang na sumaya ang gabi ko.


  Lumipas ang isang buwan. June na,pasukan na ulit, masaya dahil isa na akong ganap na officer ngayon. May kahalong lungkot dahil  4E na ako ngayon. Pero nakakilala din naman agad akong bagong kaibigan,ngunit sabi ko, iba pa din kung nasa 4D ako.  Nagkataon naman na may gustong magpalipat sa 4e, ngunit kailanagang mayroon syang kapalit,at ako nga ang napili na kapalit niya.Kaya naging 4d ulit ako, sobrang saya kong araw na iyon.

*si sir.ruedz at ako*

  September 24,25 at 26 araw ng science camp namin.pero sa C.A.T camp ako sumali, may mga activity din kami noon kaya talagang masaya. Kami rin ay nagduty  noon, hindi ko iyon makakalimutan at sobrang saya talaga kahit pagod na. Lumipas ang isang buwan. October 23 noon ng mgakaroon kami ng fieldtrip.  Medyo madami ang sumali sa aming section. 






*Chinee Liabres*
  December 18 noon, nang magkaroon  ng swimming ang mga officer. Hinding hindi ko iyon makakalimutan.First time kaming nagkaroon ng swimmimg na officer lang ang mga kasama ko,pati na din si sir.mafori. December 31, busy ang mga tao sa bahay namin dahil naghahanda na kami ng pagkain para dadating na bagong taon. At ng sumapit ang bagong taon ay sabay-sabay kaming kumain. Jan.3 ,pasukan na naman ito.Nalalapit na ang pag-alis namin sa dizon. Nakakalungkot dahil mamimiss talaga namin ang school na ito. Madami ang nagsasabi na sana ay magkaroon  na ng college sa dizon. Jan.31 noong kami ay nagpapicture ng nakatoga. Ramdam na ramdam na namin ang bilis ng mga araw. Noong feb.4,ay ang 1st deliveration na namin, lahat kami ay kinakabahan. Pero ng malaman namin ang resulta ay masaya naman. Feb.11,2011, JS na ito ng mga 3rd yr. at 4th yr. Eto na naman ako, malungkot dahil hindi na naman ako kasali. Kasi bawal sa amin iyon,dati ko pa naman alam na bawal pero nalulungkot pa din ako, dahil kahit sa huling pagkakataon ay hindi pa din ako makakasali.

**ITO AKO NGAYON**







Hanggang dito na lang ang mailalahad ko tungkol sa aking buhay. Sana po ay magustuhan ninyo ang aking ginawang talambuhay.