Saturday, February 19, 2011

Ang Talambuhay Ni Jonas Otilla

 
Ang Aking Talambuhay
            Ako ay si Jonas Otilla Magabo, labing anim na taong gulang. Isinilang ako sa Brgy. Sta Ana San Pablo City noong Enero 30, 1995. Ako ay anak nina Florencio Garing Magabo tubong Lipa, Batangas at Celia Luna Otilla mula naman sa Guinobatan, Albay.
Noong ako ay isang taon (1)
           
                Tatlo kaming lalaki na ibinunga ng pagsasama ng aking mga magulang. Kami ay sila Ryan, panganay sa aming magkakapatid, ako ang pangalawa sa amin at si Christian Florence ang bunso sa aming lahat na magkakapatid. Kapwa isinilang kami ng walang anumang kapansanan. Ngunit ang aking bunsong kapatid na si Christian Florence ay pumanaw noong siya ay apat na taong gulang. Biglang-bigla ang kanyang pagkamatay, dahil malusog naman siyang bata. Ngunit ang sabi ng doctor, ang sanhi daw ng kanyang pagpanaw ay angpagkakaroon nito ng Tumor sa kanyang utak. Kaming pamilya ay nalungkot sa pagpanaw ng aking busong kapatid. Sapagkat nawala ang isang miyembro ng aming pamilya. Gayun paman ay kinaya ng aking ina ang pagkawala ng aking bunsong kapatid.
           
                Samantala bago ako isilang ay lumipat daw kami ng bahay sa tabi ng riles ang sabi ng aking ina. Doon ako ipinanganak sa bago naming bahay. At biniyagan ako sa Lakes City Christian Baptist Church. Isa akong Born Again at ang tumayong ninong at ninang  sa akin ay ang mag-asawang si Elvina Magabo at Anghelito Magabo. Sila ay aking mga tiya at tiyuhin dahil kapatid ng aking ama si Anghelito Magabo. Ang aking ama ay nagtrabaho bilang karpintero sa Maynila at ang aking ina naman ay naiwan sa aming bahay upang alagaan kaming magkakapatid. Noong maliit pa daw ako ay mahal na mahal daw ako ng aking mga kamag-anak. At gustong-gusto daw lagi akong laruin ng aking mga pinsan at ng aking lolo. Tuwang-tuwa sila sa akin nung maliit pa ako, dahil ako lang daw ang bata sa aming magkakapitbahay noon. Patunay dito ay lagi daw akong nilalagay ng aking lolo sa kanyang tiyan paggising niya sa umaga noong ako`y sanggol pa. Ang mga pinsan ko daw ang nag-alaga sa akin nung maliit pa ako. Natutunan ko sa kanila ang maraming bagay. Katulad na lamang ng aking panganay na kapatid ay tinuruan niya ako na kumain ng gulay upang lumusog daw ako. Dahil payat at masasakitin daw ako noong ako ay bata pa. Ang mga pinsan ko naming sila Robert, Rina at Roselyn ang nagturo sa akin ng  maraming mga laro. Sila rin ang nagturo sa akin kung paano magbasa ng abakada at sumulat ng aking pangalan.                                          
Noong ako ay limang taon (5)
                Noong ako ay tumuntong ng anim na taong gulang ay nagumpisa  na akong mag-aral sa Kinder. Nang una ay umiiyak ako, dahil bago pa lang sa aking karanasan ang iwan ng aking magulang sa paaralan. Ngunit nang lumaon at nagtagal ay nakasanayan ko na ring magpaiwan sa paaralan. Ang aking naging unang guro ay si Bb. Punzalan at nagkaroon ako ng maraming mga kaibigan. Unang pasukan noon medyo nahihiya ako at naiilang na makipaglaro sa aking mga kamag-aral. Subalit tinawag ako ng isa kong kamag-aral at isinali nila ako sa kanilang laro. Simula noon hindi na ako nahihiya sa kanila at natutunan ko nang makisalamuha sa ibang bata. Marami akong natutunan sa aking guro at sa pagiging Kinder. Taong 2001 ng ako ay nagtapos ng Kinder. Tuwang-tuwa ang aking mga magulang dahil nakapagtapos ako. Niyakap ako ng mahigpit ng aking ina, patunay ito na pinadadama niya sa akin na mahal na mahal niya ako.
               
Boy Scout namin noong ako ay grade 1
                Nang taon ding iyong pinaghandaan ng aking mga magulang ang pagpasok ko sa elementarya. Ako ay pinag-aral ng aking ina sa bayan ng San Pablo. Pinakuha niya ako ng pagsusulit sa para sa pag-aaral ko sa unang baitang. Nakapasa naman ako sa kinuha kong pagsusulit. Sa San Pablo Central School ako pumasok mula sa unang  baitang. Katulad pa rin ng dati bago palang ulit ito sa aking karanasan. Bagong paaralan, bagong guro at bagong mga kamag-aral. Umiiyak parin ako ng kapag iniiwan ako ng aking ina sa paaralan. Dahil na sa unang baitang palang ako, hinahatid muna ako ng aking ina sa aming paaralan, pinapakain sa tanghali at sinusundo  rin sa hapon. Hindi rin lumaon at nagtagal ay nakasanayan ko na rin na magpaiwan sa aming paalan.
                Natatandaan ko pa noong ako ay na sa unang baitang ng pag-aaral ay lagi akong napapagalitan ng aming gurodahil maingay ako at makulit. Nagkaroon ulit ako ng mga bagong  kamag-aral at kaibigan. Nakatapos na ako sa unang baiting at tumuntong ako sa ikalawang baitang ng pag-aaral. Dito ay hindi na ako hinahatid, pinapakain sa tanghali at kinakaon ng aking ina. Dahil nagsimula na akong sumabay sa service ng isa sa mga guro sa aming paaralan. Sumasakay na ako sa jeep tuwing umaga at hapon nina Gng. at Ginoong Opulencia. Pinagdadala na rin ako ng aking ina ng binalot upang sa silid-aralan nalang ako kumain. Bagong guro na naman at mga kamag-aral ang aking mga nakasalamuha. Nagkaroon na naman ng mga bagong kaibigan kaya dumami na naman ang aking mga kaibigan.
Graduation ko ng grade 6
           
                Taong 2003 ay tumuntong ako sa ikatlong baitang ng pag-aaral.Nang taon ding iyon ay nag-asawa ang aking panganay na kapatid. Masaya ako para sa kapatid ko at Masaya rin ako dahil magkakaroon  na ako ng kapatid na babae. Nagbunga ang kanilang pagsasama at sila ay nagkaanak ng isang napakalusog na batang babae.  Masaya ang aking kapatid at ang asawa nito, pati na rin ang aking mga magulang, dahil nagka-apo na sila. Masaya rin ako dahil nagkameron na ako ng pamangkin.
           
                Nagpalit na naman ng taon at nagsimula na kong pumasok sa ikaapat na baitang. Naging maayos naman ang aking pag-aaral. Nadagdagan na naman ang aking mga kaibigan. Nagpatuloy ang aking pag-aaral ng mula ikaapat na baitang hanggang ikaanim na baitang Taong 2006-2007 ng ako ay makapagtapos ng elementary. Hindi ko aakalaing makakapagtapos ako ng pag-aaral sa elementary. Noong ako ay ay aakyat ng entablado at kukuha ng aking diploma, ako ay nagagalak. Sapagkat naisip ko lahat ng aking mga pinag-daanan noong ako ay nag-uumpisa pa lamang sa pag-aaral.

              Tuwing sasapit naman ang bakasyon sasapit naman ang bakasyon, ay pumupunta kami sa aming tiyahin upang doon magbakasyon. Nagbabakasyon kami sa Bauan Batangas kila tiya Dila , kapatid ng aking ina. Natatandaan ko pa tuwing naliligo kami sa dagat ng mga pinsan ko. Mayroon kasing dagat sa Batangas, sa katunayan dito ako natutung lumangoy. Tinuturuan kasi ako ng aking mga pinsan kung paano lumganoy. Ang tiyo ko naman ang nagturo sa akin kung paano mamingwit ng isda. Pinakikita niya sa akin kung paano manghuli ng isda. Sa pagsapit  naman ng papalapit na pasukan ay umuuwi na kami sa aming tahanan, upang ipagpatuloy ang aking pag-aaral.
           
              Hunyo ng taong 2007 ako ay tumuntong na sa High School. Ako ay nagpaenrol sa paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial NHS bilang isang istudyante ng first year. Kasabay ko ang aking ibang kaibigan sa pag-papaenrol sa paaralang iyon. Umpisa na ng pasukan, bago na naman ang aking guro at ang aking mga kamag-aral. Noong unang pasukang iyon, mayron kaagad akong nakilalang mga bagong kaibigan. Sila Christian Nera, Eris Calingasan, Mikko Panergalin at Aris Banzuela ang aking nagging unang mga kaibigan sa High School. ang una ko naming nagging guro ay si Gng. Brinas, guro sa asignaturang math. Siya ang aking adviser, marami akong natutunan sa kanya at sa iba ko pang nagging guro sa iba kong mga asignatura. Masaya pala ang maging isang High School, dahil marami akong mga bagong karanasang natutunan, Kahit nagsisimula pa lamang ako sa pag-aral. Nakapasa ako sa first year at walang asignaturang bumagsak. Pumasok na ako ng second year High School. Bago na naman ang aking mga guro at ang  iba ko dating mga kamag-aral ay kaklase ko pa rin. Nadagdagan na naman ang aking mga kaibigan. Nakapasa muli ako sa second year at at walang bagsak. Nang tumuntong ako sa third year High School ay hindi ko na kamag-aral ang aking ibang kaibigan. Ngunit gayun pa man ay nagkameron ulit ako ng mga makukulit at masasayahing mga kaibigan. ang mga ito ay sila Jake Nazareno, Aris Banzuela, Mico Ramos at Beryl Zamora. Magkakasama kami sa lahat ng bagay, maging  sa kulitan man ito o sa kasayahan. Ang aking bagong guro ay si Gng. Baylon. Nang taon ding ion ako ay unang nakaranas sa pagsali sa Junior Senior Prom( JS)  ng aming paaralan noong Pebrero 2011. Bago ulit ito sa aking karanasan, dahil ito ay ginaganap ng gabi hanggang umaga.
               Nung una ay naiilang ako na makipagsayaw sa mga kamag-aral kong babae, dahil hindi ako sanay sa ganitong pagkakataon. Marami kasi sa aking mga kamag-aral na babae ang kapwa magaganda kaya ako ay nahihiya at naiilang sa kanila. Nakapasa ako sa third year High School at walang bagsak. Sa kasalukuyan ako ay isang fourth year High School. Malapit na akong magtapos ng pag-aaral sa High School. Ang aking adviser sa ngayon ay si Ginoong Vasquez. At marami pa akong mga bagong guro. Halos nagbago na lahat ang aking mga kamag-aral ngunit magkakaklase pa rin kami ng aking mga kaibigan. Muli ay dumalo ulit ako sa aming JS prom. Naging maayos ang pagdalo ko dito dahil hindi na ito bago sa aking karanasan. Gayun pa man, maayos naman at walang gulong nangyari sa pinagdarausan n gaming JS. Masaya ako dahil makakapagtapos na ako ng aking pag-aaral sa High School. Masaya rin ang aking mga magulang dahil makakapagpatapos na sila ng anak. Sana makapagtapos ako ng aking pag-aaral upang matupad ko ang aking mga pangarap, makatulong ako sa aking mga magulang at maging matagumpay ako sa hinaharap.
JS Promn noong February 11, 2011
JS Prom 2011, kasama ko si Karen
JS namin at kasama ko ang kaibigan kong si Aris
         
  

No comments:

Post a Comment