Sunday, February 20, 2011

 Ang Talambuhay ni Jill Almira Mae Cerdan                                                                                                                                                                                                                 Noong Setyember 21, 1994 ay dinaraos ang pinakamahalagang selebrasyom sa buhay ng aking ama at ina. At ito ay ang kanilang pagpapakasal. Noong pumasok na sila sa kapilya para magpakasal ipinangako nila na habang buhay silang magmamahalan sa hirap man o ginhawa. Mamahalin ang kanilang mga supling at bibigyan ng magandang buhay.

Pagkalipas ng isang taon noong buwan ng Agosto, may sinilang na malusog at magandang sanggol. At iyon ay ako. Sabi daw nila saakin ay “sana lumaki itong mabait at magalang na bata”. Pagkalabas ko pa lang daw sa ospital ay pinamili agad ako ng aking lola ng mga damit. Tuwang tuwa daw sila kasi meron na silang apo. Unang sanggol daw kasi ako. Lagi nila akong kinukuhanan ng litrato, lagi akong binubuhat at higit sa lahat lagi nila akong inaalagaan. Ang swerte ko raw noon kasi mura pa raw ang bilihin. Nabibili daw kasi nila ang mga gusto ko. Ngunit makalipas dawn g ilang buwan, nilagnat ako ng napakataas. Tatlong araw ay hindi pa ako gumagaling kaya nagdesisyon na nilang dalhin ako sa hospital. Sabi ng doctor,kaya lang daw ako nilagnat kasi sinisibulan na daw ako ng ngipin. Nakaluwag ng pakiramdam ang aking ina dahil akala nila ay kung anu na ang ng yari saakin.
when i was 1year old

Noong dumating na ang unang kaarawan ko, Agosto 07, 1995 ito ay may kabonggahan ang aking kaarawan. Maraming lobo, may cake at marami pang iba. Nagsidatingan ang lahat ng mga kamag-anak naming. Tuwang-tuwa raw sila. Andami ko rin natanggap na regalo at inihanda din ng aking ama at ina ang mga palaro sa mga bata at iyon ay naging Masaya. Dumaan ang tatlo taon, nagsimula aking mag-aral sa edad na apat. Kinder ako noon. Hindi naman daw nahirapan ang aking ina na turuan ako dahil madali naman akong matuto. Nung nakatapos ako ng kinder may mga award din naman ako nakahua katulad ng “Best in Math and in English”. At higit sa lahat ay Salutatorian ako noon. Tuwang-tuwa ang aking ina kasi nakatapos ako ng kinder.
when i was 2years old
Pumasok ako sa Central School noong elementarya ako, nung ipapasok ako ng aking ina ng grade 1, nahirapan daw akong ienrol kasi kulang daw ako sa edad. Limang taon pa lamang kasi ako noon nung ipinasok ako sa Central. Pero naipasok naman ako ngunit seksyon 15 ako noon. Pero kahit nasa mababang seksyon ako, hindi ako pumayag na maging ka level ng iba kong kaklase. Nag-aaral daw akong mabuti sabi ng aking ama. Kaya nung ikalawang baitang ko ay tumaas ang aking seksyon. Napalipat ako sa seksyon 4. anlaki ng itinaas ko kasi nagaral akong mabuti. Marami naman akong naging kaibigan. Ngunit mayroon akong di malimutang karanasan noong nasa ilawang anats ako. Nung araw ng biyernes girl scout kami noon, naghahabulan kami ng mga kaklase ko sa may gilid ng gym. Hindi ko namalayan may kanal pala dun. Nahulog tuloy ako at nasagutan ang ilong ko. Kaya mula noon hindi na ako nakikipaghabulan pa.
Noong asa ikatlong baitang ako ng elementarya ay napilitan kamig lumipat ng tirahan at mag-aaral sa Sto. Tomas Batangas. Kasi doon magtratrabaho ang aking ina. Nahirapan akong makipagkaibigan noon kasi hindi ako pinapansin ng mga naging kaklase ko noon. Pero nang tumagal tagal, meron naman akong nagong kaibigan. Flougine Reyes ang kanyang pangalan. Siya ay mabait at matalino kaya nagkasundo kami. Sa ikatlong baitang dn ako unang nagkaroon ng paghanga sa isang lalaki. Ang pangaln niya ay Michael Rosales, siya ay mabait at cute. Naging kaibigan ko siya, pero hanggang paghanga langiyon dahil bata pa lang ako noon. Natapos naman ako noong grade 3 na may award ulit ako noon at iyon ay ang “Best in English.
when i was 8years old
At ng dumating na ako sa ika-apat na baitang, lumipat na ulit kami dito sa San Pblo. Dito narin ako nag-aral at dito na kami tumira.Seksyon 8 lang ako noon kasi huli ako nagenrol. May masamang alala ako noong ika-apat na antas na ako noon. Ang ng yari noon ay nasuntok ako ng kaklase ko sa parte bahagi ng aking katawan. Pati kinuha na din niya ang akin libro at iyon ay isunombung ko sa aking ina. At ng dumating ang kinabukasan noon ay pumunta ang aking ina sa eskwelahan upang kausapin an gaming guro upang pagsabihan ang aking kaklase na sumuntok sa akin. Pinagsabihan naman ng aking guro ang kaklase ko. Humingi ng tawad ang akin ang kaklase ko., at doon ay pinatawad ko din naman siya. Pero simula noong nangyari iyon ay hindi ko na siya pinansin muli.

with my brother and cousin
            Noong ako ay asa ika-lima baitang tumaas na muli ang aking seksyon. Naging section 7 ako noon. Maraming masasayang alaala ang buhay ko noon. Naging miyembro ako ng “Glee Club” sa Central. Ang pangalan ng grupo naming ay San Pablo Central Children Choir. Lagi kaming kumakanta sa mga “events” sa eskwelahan naming. Lagi din kaming kumakanta sa tuwing may piyesta ng Bayan. Nag-guest pa nga kami sa unang hirit noon.naging soloista din akong choir namain. Andami talagang masayang alaala noong grade 5. hinding hindi ko malilimutan. Pagsapit ko na man ng grade 6 ay seksyon 7 ako .noong grade 6 ako ay naging seksyon 5. may halong tawa at lungkot ang naramdaman ko noong kasi namimiss ko ang nga kaklase ko noong ako ay asa ika-lima antas na. ako lang kasi ang napalipat ng seksyon pero pinilit kong makipagkaibigan sa mga kaklase ko. Pero sa tinagal-tagal nagkaroon naman ako ng mga kaibigan. Meron akong naging kaklase na kulang ang paa dahil siya ay naaksidente. Ang pangalan niya ay Amor Zapata siya ay mabaiy at maganda. May kakulitan lang ng kaunti. Pero sa unang pagkakataon may naging kaklaser akong napakaarte at ang yabang, inis na inis kami sa kanya. Hindi naming siya pinapansin. Pero nag iba naman ang masama niyang uagali Ngunit naman siya nagalit. Pagkalipas ng ilang buwan, nang sumapit ang pebrero kwenito ni ay ang masama niyang ugali.hindi na man siya nagalit.

Pagkalipas ng ilang buwan, nang sumapit ang pebrero sinabi sa amin na pag igihin na min lalo ang pag-aaral kasi gagraduate na kami. Hindi naman kami nabigo. Nakatapos naman kami ng pag-aaral sa elementarya.

Makalipas ng ilang buwan, 1st year high school na ako. Hindi na ako nag-isip na mag-aral sa private kasi may kakapusan sap era ang aking mga magulang ko. Kaya nag-aral ako sa Col. Lauro  D. Dizon Mem. National High School na sabik na sabik akong pumasok.Noong unang araw ng pasukan. Ako ay  napakatahimik at ang aking mga kaklase. Naninibago pa kasi kami. Pero ng pangalawa kong pasok na araw napalipat ako sa section C. hindi ko alam kung bakit ako napalipat. Naging Masaya naman ako sa 1-C. mataas pa ang section, mababait pa ang mga kakalase ko. Unang sabal ko. Kalahati ng buwan ang agosto kumanta ako sa library noon. Pero hindi ko ito malilimutan kasi noong kumakanta ako ay bigla akong pumiyok. Paos kasi ako noong araw na un. Hiyang-hiya talaga ako.
Pero hindi na man ako pinagtawanan. Binati pa nga nila ako bilang pambalubag ng loob. Marami ding masasayang alaala ang nangyari noong 1st year ako.
my bestfriends and I
Noong 2nd year naman ako, bumaba ang section ko naging 2-d ako . hindi kasi ako masyado nagseryoso sa pag-aaral noong 1st year pa ako. Pero kahit na bumaba ang section ko naging Masaya naman ako. Masayang kasama ang mga kaklase ko. Mayroon naman akong naging kaibigan. Noong maglalaban na ng Florante at Laura di kami nakasali kasi di kami makapagpraktis ng maayos. Ang gugulo kasi naming. Napagalitan pa kami n gaming guro kaya ang naging kapalit noon ay ang pagmomonologue kami isa-isa at pinakanta at pinabigkas. Nakabawi na man kami noon. Mataas din na man ang aming nakuha ng gardo sa Pilipino. Marami ring masayang ala-ala ang nangyari noong 2nd year ako.

JS PROMINADE
Pagkasapit ng 3rd year kami kami na man ulit ang magkaklase. Unang pasukan pa lang ay napakaingay na naming. Hindi kami nag kakahiyaan. Sanay na kami sa isa’t-isa. Itong year nato ay dito ako natutong mag make-up, mag masahe ng mukha, mag-ayos ng buhok, magluto . dito ako nakatagpo ng totoong mga kaibigan. Wala akong masyadong masasabi kasi marami ang nangyari nitong taon na ito.Naranasan ko ring sumali sa JS nitong year na ito       .

My groupmates in MAPEH.
At sa wakas, nakaabot ako ng 4th year, marami napahiwalay na kaklase naming. May tumaas at meron ding bumaba. Pero Masaya naman kami. Unang pasukan pa lang ay nakipagkaibigan na agad ako sa mga bago kong kaklase mababait naman sila                                .                                
Nitong year na-ito dito ako natutong mainlove. Mga ilang buwan pa lang ang nakakaraan nagkaroon ng ako ng crush sa kanya. Hindi ko nasasabihin ang pangalan niya. Lagi akong niloloko ng mga kaibigagan ko sa kanya. Hindi ako makalapit sa kanya dati. Itong year na din ito natuto akong masaktan. Pero binaliwa ko yun. Mas pinahalagahan ko ang pag-aaral ko kesa sa kanya. Noong buwan ng setyembre nagkasakit ako ilang araw din akong hindi nakapasok hindi rin ako nakasayaw sa SM noon kasi may sakit ako. Pero nakarecover na man ako at ng buwan ang nobyembre, nagkaroon ng field-trip. Sumama ako kasi last na taon na ito. Marami naman akong natutuhan sa mga pinuntahan namin. Di lang ako nakasama sa bus naming kasi mahuli ako ng bayad. Kasama naman ako sa bus ng 3rd year Giselle ang pangalan niya. Mabait siya mula noon naging magkaibigan kami.

Jill Almira Mae Cerdan 
At ngayun nalalapi na ang aking pagtatatpos marami akong dapat na gawin. Kailangan kong magpasa ng mga requirements upang makagraduate ako. At sa araw na sumapit ng graduation ay marami akong maaala-ala na Masaya at malungkot na pang yayari sa dizon high. Masaya talaga ang high school at sana kapag college na ako makayanan ko lahat ng mga gagawin ko sa college at dito na nagtatapos ang aking talambuhay
Almira Cerdan
.

No comments:

Post a Comment